Photo shot on my Birthday Celebration last June 4th as part of my Flag Collections.
Yesterday here in the Philippines, Today, in other Parts of the World, June 12th marks the 113th Anniversary of Philippine Independence. On this Day, the Filipino People celebrates and commemorates the National Heroes of the Past and the Present. I have always been a Proud Filipino and will FOREVER be Proud to be Pinoy!
May I teach you the Filipino Word which means Long Live! It is "Mabuhay". Long Live the Philippines, Mabuhay ang Pilipinas!
In celebration of the Independence Day, I made a short Essay which I dedicate to all the Filipinos across the Nation and Across the Globe. It is Entitled "Munting Handog ni Sir Steven sa Bawat Pilipino" or in English, Sir Steven's (I'm a Teacher and people call me Sir ^^) small offer to Every Filipino. It is written in Filipino to give respect to our own Language. To all the Filipino's, This one is for you all.
MUNTING HANDOG NI SIR STEVEN SA BAWAT PILIPINO
Kung bibigyan ako ng Diyos ng Isang Milyong Buhay, Ang aking Hiling ay Isang Milyong Beses nya ako gawing PILIPINO! Napakalaking Karangalan ito para sa akin! IBA ANG PINOY! IPAGPATULOY NAWA NATIN ANG NASIMULAN NG MGA TUNAY NATING MGA BAYANI!
Hindi dahil hindi ka sangayon sa Pangulo at sa kanyang mga pinapakita, ay hindi ka na kikilos! KUMILOS KA PARA SA IKABUBUTI NG BANSA! KUMILOS KA PARA SA MGA KABABAYAN MONG MAHIHIRAP AT NAGUGUTOM! Aking Hiling ay matutunan ng bawat Pilipino ang maging Pilipino, Pilipinong para sa Pilipino! Hindi kailanman magmamaliw ang pagibig ko sa Bayan ko kagaya na lamang ng walang maliw kong pagsusulat ngayon bilang pagdiriwang ko sa araw ng Kalayaan!
Hindi dahil sukdulan ng aking mga pangarap ang marating ang bawat nasyon sa mundo at maikot ang buong daigdig ay nagiging traydor na ako sa aking bansa. Sa totoo lang, kaya ko din gustong maglakbay ng maglakbay ay upang ipakita ko sa buong Mundo kung ano ang isang TUNAY NA PILIPINO! Nagawa ko na ito sa paglalakbay ko noong Marso at masasabi kong naipakita ko ang isang halimbawa ng tunay na Pilipino. May respeto at paghanga sa ibang kultura, ngunit taas noo at ipangunguna ang bansang PILIPINAS!
Sana ay mamayani sa puso ng bawat Pilipino ang pagaalab ng TUNAY AT WAGAS na PAGMAMAHAL SA PILIPINAS. Sapagkat Kahit na sino pa ang umupong Pangulo at mga opisyal natin, kung wala tayong TUNAY na PAGMAMAHAL SA BAYAN, walang pagbabagong magaganap. Napakalaki padin ng paniniwala kong babangon ang Pilipinas ngunit kailangan itong magsimula sa BAWAT ISANG PINOY! MABUHAY ANG PILIPINAS!!!
Ipagmamalaki ko hangang sa kahulihulihan kong hininga na ako ay Pilipino!
MABUHAY ANG PILIPINAS, MABUHAY ANG PILIPINO!
Stevenson Masdal Que
Guro
Mabuhay ang Pilipino! Mabuhay ang mga OFW's! Mabuhay ang mga Bayani! MABUHAY ANG PILIPINAS!
No comments:
Post a Comment